Tunay na si Allāh ay nag-uutos ng katarungan, paggawa ng maganda, at pagbibigay sa may pagkakamag-anak; at sumasaway sa kahalayan, nakasasama, at paglabag. Nangangaral Siya sa inyo nang sa gayon kayo ay magsasaalaala. An-Naḥl 16:90 ⧉
Tafsīr:
Tunay na si Allāh ay nag-uutos sa mga lingkod Niya ng katarungan sa pamamagitan ng pagganap ng tao sa mga karapatan ni Allāh at mga karapatan ng mga tao at hindi pagtangi sa isa higit sa isa pa sa paghahatol malibang ayon sa isang karapatang nag-oobliga ng pagtatanging iyon; nag-uutos ng paggawa ng maganda sa pamamagitan ng pagmamabuting-loob ng tao ng hindi kinakailangan sa kanya gaya ng paggugol sa iba nang kusang-loob at pagpapaumanhin sa tagalabag sa katarungan; at nag-uutos ng pagbibigay sa mga kamag-anakan ng kinakailangan nila; sumasaway sa bawat naging pangit sa pananalita gaya ng kahalayan ng pananalita at sa gawa gaya ng pangangalunya; sumasaway sa anumang minamasama ng Batas, na lahat ng mga pagsuway; at sumasaway sa kawalang-katarungan at pagpapakamalaki sa mga tao. Nangangaral sa inyo si Allāh ng ipinag-utos Niya sa inyo at sinaway Niya sa inyo sa talatang ito sa pag-asang magsaalang-alang kayo sa anumang ipinangaral Niya sa inyo.