Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 89 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 89 sa 128 • Tagalog


وَيَوْمَ نَبْعَثُ فِي كُلِّ أُمَّةٍ شَهِيدًا عَلَيْهِمْ مِنْ أَنْفُسِهِمْ ۖ وَجِئْنَا بِكَ شَهِيدًا عَلَىٰ هَٰؤُلَاءِ ۚ وَنَزَّلْنَا عَلَيْكَ الْكِتَابَ تِبْيَانًا لِكُلِّ شَيْءٍ وَهُدًى وَرَحْمَةً وَبُشْرَىٰ لِلْمُسْلِمِينَ 89
Pagsasalin:
[Banggitin] ang araw na bubuhay Kami sa bawat kalipunan ng isang saksi sa kanila kabilang sa mga sarili nila at naghatid Kami sa iyo bilang saksi sa mga ito. Nagbaba Kami sa iyo ng Aklat bilang pagpapalinaw para sa bawat bagay, bilang patnubay, bilang awa, at bilang balitang nakagagalak para sa mga Muslim. An-Naḥl 16:89
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, ang araw na bubuhay Kami sa bawat kalipunan ng isang sugong sasaksi sa kanila hinggil sa dati nilang taglay na kawalang-pananampalataya o pananampalataya. Ang sugong ito ay kabilang sa lahi nila at magsasalita sa wika nila. Naghatid Kami sa iyo, O Sugo, bilang saksi sa mga kalipunan sa kalahatan. Nagbaba Kami sa iyo ng Qur'ān upang maglinaw ka sa bawat nangangailangan ng paglilinaw gaya ng ipinahihintulot at ipinagbabawal, gantimpala at parusa, at iba pa roon. Nagbaba Kami nito bilang kapatnubayan para sa mga tao tungo sa katotohanan, bilang awa para sa sinumang sumampalataya rito at gumawa ayon sa nasaad dito, at bilang pagbabalita ng nakagagalak para sa mga mananampalataya kay Allāh hinggil sa hinihintay nila na kaginhawahang mananatili.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 88 Susunod An-Naḥl • Talata 90