Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Huwag kayong gumawa sa mga sinumpaan ninyo bilang pandaraya sa pagitan ninyo dahil baka may matisod na paa matapos ng katatagan nito at lumasap kayo ng kasagwaan dahil sa sumagabal kayo sa landas ni Allāh. Ukol sa inyo ay isang pagdurusang sukdulan. (94)
Tafsīr
Huwag kayong magpabago sa mga sinumpaan ninyo para maging isang panlilinlang na nanlilinlang kayo sa isa't isa sa inyo sa pamamagitan nito. Sumusunod kayo dahil dito sa mga pithaya ninyo kaya kumakalas kayo sa mga sinumpaan kapag niloob ninyo at tumutupad kayo sa mga ito kapag niloob ninyo. Kaya tunay na kayo, kung gumawa kayo niyon, ay matitisod ang mga paa ninyo palayo sa landasing tuwid matapos na ang mga ito dati ay mga matatag doon. Lalasap kayo ng pagdurusa dahilan sa pagkaligaw ninyo palayo sa landas ni Allāh at pagliligaw ninyo sa iba sa inyo palayo roon. Ukol sa inyo ay isang pagdurusang pinag-iibayo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: