Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 94 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 94 sa 128 • Tagalog


وَلَا تَتَّخِذُوا أَيْمَانَكُمْ دَخَلًا بَيْنَكُمْ فَتَزِلَّ قَدَمٌ بَعْدَ ثُبُوتِهَا وَتَذُوقُوا السُّوءَ بِمَا صَدَدْتُمْ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۖ وَلَكُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ 94
Pagsasalin:
Huwag kayong gumawa sa mga sinumpaan ninyo bilang pandaraya sa pagitan ninyo dahil baka may matisod na paa matapos ng katatagan nito at lumasap kayo ng kasagwaan dahil sa sumagabal kayo sa landas ni Allāh. Ukol sa inyo ay isang pagdurusang sukdulan. An-Naḥl 16:94
Tafsīr:
Huwag kayong magpabago sa mga sinumpaan ninyo para maging isang panlilinlang na nanlilinlang kayo sa isa't isa sa inyo sa pamamagitan nito. Sumusunod kayo dahil dito sa mga pithaya ninyo kaya kumakalas kayo sa mga sinumpaan kapag niloob ninyo at tumutupad kayo sa mga ito kapag niloob ninyo. Kaya tunay na kayo, kung gumawa kayo niyon, ay matitisod ang mga paa ninyo palayo sa landasing tuwid matapos na ang mga ito dati ay mga matatag doon. Lalasap kayo ng pagdurusa dahilan sa pagkaligaw ninyo palayo sa landas ni Allāh at pagliligaw ninyo sa iba sa inyo palayo roon. Ukol sa inyo ay isang pagdurusang pinag-iibayo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 93 Susunod An-Naḥl • Talata 95