Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 95 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 95 sa 128 • Tagalog


وَلَا تَشْتَرُوا بِعَهْدِ اللَّهِ ثَمَنًا قَلِيلًا ۚ إِنَّمَا عِنْدَ اللَّهِ هُوَ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ 95
Pagsasalin:
Huwag kayong bumili kapalit ng kasunduan kay Allāh ng isang kaunting panumbas. Tunay na ang nasa ganang kay Allāh ay pinakamabuti para sa inyo, kung kayo ay nakaaalam. An-Naḥl 16:95
Tafsīr:
Huwag ninyong ipagpalit ang kasunduan kay Allāh sa isang panumbas na kaunti dahil sa pagkalas ninyo sa kasunduan at pag-iwan ninyo sa pagtupad nito. Tunay na ang nasa ganang kay Allāh na pag-aadya at mga samsam sa digmaan sa Mundo, at ang nasa ganang Kanya na kaginhawahang mamamalagi sa Kabilang-buhay ay pinakamabuti para sa inyo kaysa sa anumang nakukuha ninyo na isang panumbas na kaunti dahil sa pagkalas ninyo sa kasunduan, kung kayo ay nakaaalam niyon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 94 Susunod An-Naḥl • Talata 96