Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 96 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 96 sa 128 • Tagalog


مَا عِنْدَكُمْ يَنْفَدُ ۖ وَمَا عِنْدَ اللَّهِ بَاقٍ ۗ وَلَنَجْزِيَنَّ الَّذِينَ صَبَرُوا أَجْرَهُمْ بِأَحْسَنِ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ 96
Pagsasalin:
Ang anumang nasa ganang inyo ay nauubos samantalang ang anumang nasa ganang kay Allāh ay mananatili. Talagang gaganti nga Kami sa mga nagtiis ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa [na kabutihan]. An-Naḥl 16:96
Tafsīr:
Ang anumang nasa ganang inyo, O mga tao, gaya ng yaman, mga sarap, at kaginhawahan ay magwawakas kahit pa man ito ay marami, samantalang ang anumang nasa ganang kay Allāh na ganti ay mananatili kaya papaano kayong nagtatangi sa isang maglalaho higit sa isang mananatili? Ang mga nagtiis sa mga kasunduan sa kanila at hindi kumalas sa mga ito ay talagang gagantihan nga ni Allāh ng gantimpala nila katumbas sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa na mga pagtalima. Kaya naman gaganti Siya sa kanila sa magandang gawa ng katumbas sa sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit hanggang sa maraming ulit.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 95 Susunod An-Naḥl • Talata 97