Landscape MP4 Vertical MP4

Surah An-Naḥl — Talata 97 (Tagalog) — Bidyo

An-Naḥl • Talata 97 sa 128 • Tagalog


مَنْ عَمِلَ صَالِحًا مِنْ ذَكَرٍ أَوْ أُنْثَىٰ وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَلَنُحْيِيَنَّهُ حَيَاةً طَيِّبَةً ۖ وَلَنَجْزِيَنَّهُمْ أَجْرَهُمْ بِأَحْسَنِ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ 97
Pagsasalin:
Ang sinumang gumawa ng isang maayos, na isang lalaki o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya ay talagang magpapamuhay nga Kami sa kanya nang isang buhay na kaaya-aya at talagang gaganti nga Kami sa kanila ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa [na maayos na gawa]. An-Naḥl 16:97
Tafsīr:
Ang sinumang gumawa ng isang gawang maayos na umaalinsunod sa Batas, maging isang lalaki man o isang babae, habang siya ay isang mananampalataya kay Allāh, ay talagang magpapamuhay nga si Allāh sa kanya sa Mundo nang isang buhay na kaaya-aya dahil sa pagkalugod sa pagtatadhana ni Allāh, sa pagkakontento, at sa pagkakatuon sa mga pagtalima; at talagang gaganti nga si Allāh sa kanila ng gantimpala nila sa Kabilang-buhay ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa sa Mundo na mga gawang matuwid.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna An-Naḥl • Talata 96 Susunod An-Naḥl • Talata 98