Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 95)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 95

وَلَا تَشْتَرُوا بِعَهْدِ اللَّهِ ثَمَنًا قَلِيلًا ۚ إِنَّمَا عِنْدَ اللَّهِ هُوَ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ 95 ٩٥

Huwag kayong bumili kapalit ng kasunduan kay Allāh ng isang kaunting panumbas. Tunay na ang nasa ganang kay Allāh ay pinakamabuti para sa inyo, kung kayo ay nakaaalam. (95)

Tafsīr
Huwag ninyong ipagpalit ang kasunduan kay Allāh sa isang panumbas na kaunti dahil sa pagkalas ninyo sa kasunduan at pag-iwan ninyo sa pagtupad nito. Tunay na ang nasa ganang kay Allāh na pag-aadya at mga samsam sa digmaan sa Mundo, at ang nasa ganang Kanya na kaginhawahang mamamalagi sa Kabilang-buhay ay pinakamabuti para sa inyo kaysa sa anumang nakukuha ninyo na isang panumbas na kaunti dahil sa pagkalas ninyo sa kasunduan, kung kayo ay nakaaalam niyon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba