Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang anumang nasa ganang inyo ay nauubos samantalang ang anumang nasa ganang kay Allāh ay mananatili. Talagang gaganti nga Kami sa mga nagtiis ng pabuya sa kanila ayon sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa [na kabutihan]. (96)
Tafsīr
Ang anumang nasa ganang inyo, O mga tao, gaya ng yaman, mga sarap, at kaginhawahan ay magwawakas kahit pa man ito ay marami, samantalang ang anumang nasa ganang kay Allāh na ganti ay mananatili kaya papaano kayong nagtatangi sa isang maglalaho higit sa isang mananatili? Ang mga nagtiis sa mga kasunduan sa kanila at hindi kumalas sa mga ito ay talagang gagantihan nga ni Allāh ng gantimpala nila katumbas sa higit na maganda sa anumang dati nilang ginagawa na mga pagtalima. Kaya naman gaganti Siya sa kanila sa magandang gawa ng katumbas sa sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ulit hanggang sa maraming ulit.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: