Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 9)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 9

وَعَلَى اللَّهِ قَصْدُ السَّبِيلِ وَمِنْهَا جَائِرٌ ۚ وَلَوْ شَاءَ لَهَدَاكُمْ أَجْمَعِينَ 9 ٩

Nasa kay Allāh ang pagtukoy sa landas, at kabilang sa mga [landas na] ito ay nakatabingi [palayo sa katotohanan]. Kung sakaling niloob Niya, talaga sanang nagpatnubay Siya sa inyo nang magkakasama. (9)

Tafsīr
Nasa kay Allāh ang paglilinaw sa daang tuwid na nagpapaabot sa kaluguran Niya: ang Islām. Kabilang sa mga daan ay ang mga daan ng demonyo na nakakiling palayo sa katotohanan. Ang bawat daang hindi ang daan ng Islām, ito ay nakakiling. Kung sakaling niloob ni Allāh na magtuon sa inyo sa kalahatan sa pananampalataya, talaga sanang nagtuon Siya sa inyo roon sa kalahatan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba