Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 101)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




17 Al-Isrā’(الإسراء), Talata 101

وَلَقَدْ آتَيْنَا مُوسَىٰ تِسْعَ آيَاتٍ بَيِّنَاتٍ ۖ فَاسْأَلْ بَنِي إِسْرَائِيلَ إِذْ جَاءَهُمْ فَقَالَ لَهُ فِرْعَوْنُ إِنِّي لَأَظُنُّكَ يَا مُوسَىٰ مَسْحُورًا 101 ١٠١

Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng siyam na tandang malinaw, kaya magtanong ka sa mga anak ni Israel noong dumating siya sa kanila saka nagsabi sa kanya si Paraon: “Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na ikaw, O Moises, ay nagaway.” (101)

Tafsīr
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng siyam na patunay na maliwanag na sumasaksi para sa kanya. Ang mga ito ay ang tungkod, ang [puting] kamay, ang mga taon [ng tagtuyot], ang kakulangan ng mga bunga, ang baha, ang mga balang, ang mga kuto, ang mga palaka, at ang dugo. Kaya magtanong ka, O Sugo, sa mga Hudyo nang naghatid si Moises sa mga ninuno nila ng mga tandang iyon saka nagsabi sa kanya si Paraon: "Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na ikaw, O Moises, ay isang lalaking nagaway dahil sa inilahad mo na mga kataka-taka."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba