Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng siyam na tandang malinaw, kaya magtanong ka sa mga anak ni Israel noong dumating siya sa kanila saka nagsabi sa kanya si Paraon: “Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na ikaw, O Moises, ay nagaway.” Al-Isrā’ 17:101 ⧉
Tafsīr:
Talaga ngang nagbigay Kami kay Moises ng siyam na patunay na maliwanag na sumasaksi para sa kanya. Ang mga ito ay ang tungkod, ang [puting] kamay, ang mga taon [ng tagtuyot], ang kakulangan ng mga bunga, ang baha, ang mga balang, ang mga kuto, ang mga palaka, at ang dugo. Kaya magtanong ka, O Sugo, sa mga Hudyo nang naghatid si Moises sa mga ninuno nila ng mga tandang iyon saka nagsabi sa kanya si Paraon: "Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na ikaw, O Moises, ay isang lalaking nagaway dahil sa inilahad mo na mga kataka-taka."