Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 11)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Dumadalangin ang tao ng masama [laban sa sarili at iba pa] gaya ng pagdalangin niya ng mabuti. Laging ang tao ay mapagmadali. (11)
Tafsīr
Dumadalangin ang tao, dahil sa kamangmangan niya, laban sa sarili niya, anak niya, at yaman, ng mga masama sa sandali ng galit, tulad ng pagdalangin niya para sa sarili niya ng mabuti. Kaya kung sakaling tumugon Kami sa panalangin niya ng masama ay talaga sanang napahamak siya at napahamak ang yaman niya at ang anak niya. Ang tao ay laging likas na mahilig sa pagmamadali. Dahil dito tunay na siya ay maaaring magmadali sa anumang nakapipinsala sa kanya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: