Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 11 sa 111 • Tagalog


وَيَدْعُ الْإِنْسَانُ بِالشَّرِّ دُعَاءَهُ بِالْخَيْرِ ۖ وَكَانَ الْإِنْسَانُ عَجُولًا 11
Pagsasalin:
Dumadalangin ang tao ng masama [laban sa sarili at iba pa] gaya ng pagdalangin niya ng mabuti. Laging ang tao ay mapagmadali. Al-Isrā’ 17:11
Tafsīr:
Dumadalangin ang tao, dahil sa kamangmangan niya, laban sa sarili niya, anak niya, at yaman, ng mga masama sa sandali ng galit, tulad ng pagdalangin niya para sa sarili niya ng mabuti. Kaya kung sakaling tumugon Kami sa panalangin niya ng masama ay talaga sanang napahamak siya at napahamak ang yaman niya at ang anak niya. Ang tao ay laging likas na mahilig sa pagmamadali. Dahil dito tunay na siya ay maaaring magmadali sa anumang nakapipinsala sa kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 10 Susunod Al-Isrā’ • Talata 12