Surah Al-‘Ankabūt (Ang Gagamba — العنكبوت) (Talata 33)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




29 Al-‘Ankabūt(العنكبوت), Talata 33

وَلَمَّا أَنْ جَاءَتْ رُسُلُنَا لُوطًا سِيءَ بِهِمْ وَضَاقَ بِهِمْ ذَرْعًا وَقَالُوا لَا تَخَفْ وَلَا تَحْزَنْ ۖ إِنَّا مُنَجُّوكَ وَأَهْلَكَ إِلَّا امْرَأَتَكَ كَانَتْ مِنَ الْغَابِرِينَ 33 ٣٣

Noong dumating ang mga sugo Namin kay Lot ay pinahapis siya dahil sa kanila at pinanghinaan siya dahil sa kanila ng loob. Nagsabi sila: “Huwag kang mangamba at huwag kang malungkot. Tunay na kami ay mga magliligtas sa iyo at sa mag-anak mo maliban sa maybahay mo; ito ay magiging kabilang sa mga magpapaiwan [para masawi]. (33)

Tafsīr
Noong pumunta ang mga anghel na ipinadala Namin kay Lot para magpahamak sa mga kababayan ni Lot ay nagpahapis sa kanya at nagpalungkot sa kanya ang pagdating nila dala ng pangamba para sa kanila mula sa kabuktutan ng mga kababayan niya sapagkat dumating ang mga anghel sa anyo ng mga lalaki at ang mga kababayan niya ay gumagawa [ng sodomiya] sa mga lalaki dala ng pagnanasa bukod pa sa mga babae. Nagsabi sa kanya ang mga anghel: "Huwag kang mangamba sapagkat hindi makapagpaparating sa iyo ng kasagwaan ang mga kababayan mo. Huwag kang malungkot sa ipinabatid Namin sa iyo na pagpapahamak sa kanila. Tunay na kami ay mga sasagip sa iyo at sa mag-anak mo laban sa pagkapahamak maliban sa maybahay mo; ito ay kabilang sa mga maiiwang mapapahamak sapagkat magpapahamak kami rito kasama sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba