Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 19)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




17 Al-Isrā’(الإسراء), Talata 19

وَمَنْ أَرَادَ الْآخِرَةَ وَسَعَىٰ لَهَا سَعْيَهَا وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَأُولَٰئِكَ كَانَ سَعْيُهُمْ مَشْكُورًا 19 ١٩

Ang sinumang nagnais ng Kabilang-buhay at nagpunyagi para roon ng pagpupunyagi ukol doon habang siya ay isang mananampalataya, ang pagpupunyagi ng mga iyon ay pahahalagahan. (19)

Tafsīr
Ang sinumang naglayon ng gantimpala ng Kabilang-buhay sa pamamagitan ng mga gawain ng pagpapakabuti at nagpunyagi para roon ng pagpupunyagi ukol doon na walang halong pagpapakitang-tao at pagpapahanga habang siya ay isang mananampalataya sa isinatungkulin ni Allāh na pananampalataya sa Kanya, ang pagpupunyagi ng mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay tanggap sa ganang kay Allāh. Gaganti Siya sa kanila roon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba