Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 19 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 19 sa 111 • Tagalog


وَمَنْ أَرَادَ الْآخِرَةَ وَسَعَىٰ لَهَا سَعْيَهَا وَهُوَ مُؤْمِنٌ فَأُولَٰئِكَ كَانَ سَعْيُهُمْ مَشْكُورًا 19
Pagsasalin:
Ang sinumang nagnais ng Kabilang-buhay at nagpunyagi para roon ng pagpupunyagi ukol doon habang siya ay isang mananampalataya, ang pagpupunyagi ng mga iyon ay pahahalagahan. Al-Isrā’ 17:19
Tafsīr:
Ang sinumang naglayon ng gantimpala ng Kabilang-buhay sa pamamagitan ng mga gawain ng pagpapakabuti at nagpunyagi para roon ng pagpupunyagi ukol doon na walang halong pagpapakitang-tao at pagpapahanga habang siya ay isang mananampalataya sa isinatungkulin ni Allāh na pananampalataya sa Kanya, ang pagpupunyagi ng mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay tanggap sa ganang kay Allāh. Gaganti Siya sa kanila roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 18 Susunod Al-Isrā’ • Talata 20