Sa bawat isa ay magpapalawig – sa mga ito at mga iyan – ng bigay ng Panginoon mo. Hindi nangyaring ang bigay ng Panginoon mo ay pinipigilan. Al-Isrā’ 17:20 ⧉
Tafsīr:
Magdaragdag sa bawat isa sa dalawang pangkat na ito: ang masamang-loob at ang mabuting-loob, mula sa bigay ng Panginoon mo, O Sugo, nang walang pagkaputol. Hindi nangyaring ang bigay ng Panginoon mo sa Mundo ay mahahadlangan ng isa man, isang mabuting-loob man o isang masamang-loob.