Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 1)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaluwalhatian sa Kanya na nagpalakbay sa Lingkod Niya isang gabi mula sa Masjid na Pinakababanal [sa Jerusalem] patungo sa Masjid na Pinakamalayo, na pinagpala Namin ang palibot nito upang magpakita Kami sa kanya ng ilan sa mga tanda Namin. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Nakakikita. (1)
Tafsīr
Nagpawalang-kapintasan si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – at nagpakadakila Siya dahil sa kakayahan Niya sa anumang hindi nakakaya ng isang iba pa sa Kanya. Si Allāh ang nagpalakbay sa Lingkod Niyang si Muḥammad – ang basbas at ang pagbati ng kapayapaan ay sumakanya – sa kaluluwa at katawan habang gising sa isang bahagi ng gabi mula sa Masjid na Pinakababanal [sa Makkah] patungo sa Masjid ng Jerusalem, na pinagpala Niya ang palibot nito sa pamamagitan ng mga bunga at mga pananim at mga tahanan ng mga propeta – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan – upang makita niya ang ilan sa mga tanda Niya na nagpapatunay sa kakayahan Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Tunay na Siya ay ang Madinigin kaya walang nakakukubli sa Kanya na isang naririnig, ang Nakakikita kaya walang nakakukubli sa Kanya na isang nakikita.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: