Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 25)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang Panginoon ninyo ay higit na maalam sa anumang nasa mga sarili ninyo. Kung kayo ay magiging mga maayos, tunay na Siya laging sa mga palabalik [sa pagsisisi] ay Mapagpatawad. (25)
Tafsīr
Ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay higit na maalam sa anumang nasa mga budhi ninyo na pagpapakawagas sa Kanya sa pagsamba, mga gawain ng kabutihan, at pagpapakabuti sa mga magulang. Kaya kung ang mga layunin ninyo sa pagsamba ninyo at pakikitungo ninyo sa mga magulang ninyo at iba sa kanilang dalawa ay naging maayos, tunay na Siya – kaluwalhatian sa Kanya – laging sa mga palabalik sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabalik-loob ay Mapagpatawad, sapagkat ang sinumang nagbalik-loob mula sa naunang pagkukulang nito sa pagtalima nito sa Panginoon nito o sa mga magulang nito ay magpapatawad si Allāh dito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: