Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 34)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




17 Al-Isrā’(الإسراء), Talata 34

وَلَا تَقْرَبُوا مَالَ الْيَتِيمِ إِلَّا بِالَّتِي هِيَ أَحْسَنُ حَتَّىٰ يَبْلُغَ أَشُدَّهُ ۚ وَأَوْفُوا بِالْعَهْدِ ۖ إِنَّ الْعَهْدَ كَانَ مَسْئُولًا 34 ٣٤

Huwag kayong lumapit sa yaman ng ulila kundi sa [paraang] pinakamaganda hanggang sa umabot siya sa katindihan niya. Magpatupad kayo sa kasunduan; tunay na ang kasunduan ay laging pinananagutan. (34)

Tafsīr
Huwag kayong mangasiwa sa yaman ng sinumang namatayan ng ama kabilang sa mga bata malibang ayon sa pinakamaayos para sa kanya gaya ng pagpapalago rito at pangangalaga rito hanggang sa umabot siya sa kalubusan ng isip niya at katinuan niya. Magpatupad kayo sa isang kasunduan sa pagitan ninyo at ni Allāh at sa pagitan ninyo at ng mga lingkod Niya nang walang pagkalas o pagkukulang. Tunay na si Allāh ay magtatanong sa binigyan ng tipan sa Araw ng Pagbangon kung tumupad kaya iyon dito para gumantimpala Siya roon o kung hindi iyon tumupad dito para magparusa Siya roon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba