Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 35)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




17 Al-Isrā’(الإسراء), Talata 35

وَأَوْفُوا الْكَيْلَ إِذَا كِلْتُمْ وَزِنُوا بِالْقِسْطَاسِ الْمُسْتَقِيمِ ۚ ذَٰلِكَ خَيْرٌ وَأَحْسَنُ تَأْوِيلًا 35 ٣٥

Magpalubus-lubos kayo ng pagtatakal kapag nagtatakal kayo at tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang tuwid. Iyon ay higit na mabuti at higit na maganda sa pagpapawakas. (35)

Tafsīr
Lumubos kayo sa pagtatakal kapag magtatakal kayo para sa iba sa inyo at huwag kayong lumugi sa kanya. Tumimbang kayo sa pamamagitan ng timbangang makatarungan, na hindi nagkukulang ng anuman at hindi bumabawas. Ang pagpapalubus-lubos na iyon para sa pagtatakal at pagtitimbang ay higit na mabuti para sa inyo sa Mundo at Kabilang-buhay at higit na maganda sa kahihinatnan kaysa sa pag-uumit sa pamamagitan ng pagkukulang sa mga takalan at mga timbangan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba