Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 44)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagluluwalhati sa Kanya ang pitong langit, ang lupa, at ang sinumang nasa mga ito. Walang anumang bagay kundi nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Kanya ngunit hindi kayo nakauunawa sa pagluluwalhati nila. Tunay na Siya ay laging Matimpiin, Mapagpatawad. (44)
Tafsīr
Nagluluwalhati kay Allāh ang pitong langit, nagluluwalhati kay Allāh ang lupa, at nagluluwalhati kay Allāh ang mga nasa mga langit at lupa kabilang sa mga nilikha. Walang anumang bagay kundi nagpapawalang-kapintasan ito sa Kanya na nalalakipan ang pagpapawalang-kapintasan nito sa Kanya ng pagbubunyi subalit hindi kayo nakaiintindi sa pamamaraan ng pagluluwalhati nila sapagkat kayo ay hindi nakaiintindi kundi ng pagluluwalhati ng sinumang nagluluwalhati sa pamamagitan ng dila ninyo. Tunay na Siya – pagkataas-taas Siya – ay laging Matimpiin: hindi Siya nagmamadali sa kaparusahan, Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: