Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 44 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 44 sa 111 • Tagalog


تُسَبِّحُ لَهُ السَّمَاوَاتُ السَّبْعُ وَالْأَرْضُ وَمَنْ فِيهِنَّ ۚ وَإِنْ مِنْ شَيْءٍ إِلَّا يُسَبِّحُ بِحَمْدِهِ وَلَٰكِنْ لَا تَفْقَهُونَ تَسْبِيحَهُمْ ۗ إِنَّهُ كَانَ حَلِيمًا غَفُورًا 44
Pagsasalin:
Nagluluwalhati sa Kanya ang pitong langit, ang lupa, at ang sinumang nasa mga ito. Walang anumang bagay kundi nagluluwalhati kalakip ng pagpupuri sa Kanya ngunit hindi kayo nakauunawa sa pagluluwalhati nila. Tunay na Siya ay laging Matimpiin, Mapagpatawad. Al-Isrā’ 17:44
Tafsīr:
Nagluluwalhati kay Allāh ang pitong langit, nagluluwalhati kay Allāh ang lupa, at nagluluwalhati kay Allāh ang mga nasa mga langit at lupa kabilang sa mga nilikha. Walang anumang bagay kundi nagpapawalang-kapintasan ito sa Kanya na nalalakipan ang pagpapawalang-kapintasan nito sa Kanya ng pagbubunyi subalit hindi kayo nakaiintindi sa pamamaraan ng pagluluwalhati nila sapagkat kayo ay hindi nakaiintindi kundi ng pagluluwalhati ng sinumang nagluluwalhati sa pamamagitan ng dila ninyo. Tunay na Siya – pagkataas-taas Siya – ay laging Matimpiin: hindi Siya nagmamadali sa kaparusahan, Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 43 Susunod Al-Isrā’ • Talata 45