Kapag bumigkas ka ng Qur’ān ay naglalagay Kami sa pagitan mo at ng mga hindi sumampalataya sa Kabilang-buhay ng isang lambong na nakatago Al-Isrā’ 17:45 ⧉
Tafsīr:
Kapag bumigkas ka, O Sugo, ng Qur’ān saka nakapakinig sila ng nasaad dito na mga pagbabawal at mga pangangaral, naglalagay Kami sa pagitan mo at ng mga hindi sumampalataya sa Araw ng Pagbangon ng isang tabing na nagtatakip, na humahadlang sa kanila sa pag-intindi sa Qur'ān bilang parusa para sa kanila sa pag-ayaw nila.