Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 46 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 46 sa 111 • Tagalog


وَجَعَلْنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ أَكِنَّةً أَنْ يَفْقَهُوهُ وَفِي آذَانِهِمْ وَقْرًا ۚ وَإِذَا ذَكَرْتَ رَبَّكَ فِي الْقُرْآنِ وَحْدَهُ وَلَّوْا عَلَىٰ أَدْبَارِهِمْ نُفُورًا 46
Pagsasalin:
at naglalagay Kami sa mga puso nila ng mga panakip upang [hindi] sila makapag-unawa nito at sa mga tainga nila ng isang pagkabingi. Kapag bumanggit ka sa Panginoon mo sa Qur’ān lamang ay bumabaling sila sa mga likuran nila dala ng isang pagkaayaw. Al-Isrā’ 17:46
Tafsīr:
Naglagay Kami sa mga puso nila ng mga takip upang hindi sila makaintindi ng Qur'ān at naglagay Kami sa mga tainga nila ng kabigatan upang hindi sila makarinig nito ayon sa pagkadinig ng pakikinabang. Kapag bumanggit ka sa Panginoon mo sa Qur'ān lamang at hindi ka bumanggit sa mga diyos nilang inaakala, nanunumbalik sila sa mga dinaanan nila habang mga naglalayuan sa pagpapakawagas sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 45 Susunod Al-Isrā’ • Talata 47