Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 47 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 47 sa 111 • Tagalog


نَحْنُ أَعْلَمُ بِمَا يَسْتَمِعُونَ بِهِ إِذْ يَسْتَمِعُونَ إِلَيْكَ وَإِذْ هُمْ نَجْوَىٰ إِذْ يَقُولُ الظَّالِمُونَ إِنْ تَتَّبِعُونَ إِلَّا رَجُلًا مَسْحُورًا 47
Pagsasalin:
Kami ay higit na maalam sa pinakikinggan nila noong nakikinig sila sa iyo at noong sila ay nagtatapatan noong nagsasabi ang mga tagalabag sa katarungan: “Wala kayong sinusunod maliban sa isang lalaking nagaway.” Al-Isrā’ 17:47
Tafsīr:
Kami ay higit na maalam sa pamamaraan ng pakikinig ng mga pangulo nila sa Qur'ān. Sila ay hindi nagnanais ng pagkapatnubay sa pamamagitan nito, bagkus nagnanais ng pagmamaliit at kawalang-kapararakan sa sandali ng pagbigkas mo. Kami ay higit na maalam sa pinag-uusapan nila nang palihim na pagpapasinungaling at pagbalakid, nang nagsasabi ang mga tagalabag na ito sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya: "Hindi kayo, sumusunod, O mga tao, maliban sa isang lalaking nagaway na natuliro ang isip niya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 46 Susunod Al-Isrā’ • Talata 48