Tumingin ka kung papaano silang naglahad para sa iyo ng mga paghahalintulad kaya naligaw sila at hindi sila nakakaya sa isang daan. Al-Isrā’ 17:48 ⧉
Tafsīr:
Magnilay-nilay ka, O Sugo, talagang mamamangha ka sa anumang inilarawan nila sa iyo na mga magkakaibang katangiang napupulaan kaya nalihis sila sa katotohanan at nalito sila kaya hindi sila napatnubayan tungo sa daan ng katotohanan.