Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 46)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




17 Al-Isrā’(الإسراء), Talata 46

وَجَعَلْنَا عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ أَكِنَّةً أَنْ يَفْقَهُوهُ وَفِي آذَانِهِمْ وَقْرًا ۚ وَإِذَا ذَكَرْتَ رَبَّكَ فِي الْقُرْآنِ وَحْدَهُ وَلَّوْا عَلَىٰ أَدْبَارِهِمْ نُفُورًا 46 ٤٦

at naglalagay Kami sa mga puso nila ng mga panakip upang [hindi] sila makapag-unawa nito at sa mga tainga nila ng isang pagkabingi. Kapag bumanggit ka sa Panginoon mo sa Qur’ān lamang ay bumabaling sila sa mga likuran nila dala ng isang pagkaayaw. (46)

Tafsīr
Naglagay Kami sa mga puso nila ng mga takip upang hindi sila makaintindi ng Qur'ān at naglagay Kami sa mga tainga nila ng kabigatan upang hindi sila makarinig nito ayon sa pagkadinig ng pakikinabang. Kapag bumanggit ka sa Panginoon mo sa Qur'ān lamang at hindi ka bumanggit sa mga diyos nilang inaakala, nanunumbalik sila sa mga dinaanan nila habang mga naglalayuan sa pagpapakawagas sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba