Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 47)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




17 Al-Isrā’(الإسراء), Talata 47

نَحْنُ أَعْلَمُ بِمَا يَسْتَمِعُونَ بِهِ إِذْ يَسْتَمِعُونَ إِلَيْكَ وَإِذْ هُمْ نَجْوَىٰ إِذْ يَقُولُ الظَّالِمُونَ إِنْ تَتَّبِعُونَ إِلَّا رَجُلًا مَسْحُورًا 47 ٤٧

Kami ay higit na maalam sa pinakikinggan nila noong nakikinig sila sa iyo at noong sila ay nagtatapatan noong nagsasabi ang mga tagalabag sa katarungan: “Wala kayong sinusunod maliban sa isang lalaking nagaway.” (47)

Tafsīr
Kami ay higit na maalam sa pamamaraan ng pakikinig ng mga pangulo nila sa Qur'ān. Sila ay hindi nagnanais ng pagkapatnubay sa pamamagitan nito, bagkus nagnanais ng pagmamaliit at kawalang-kapararakan sa sandali ng pagbigkas mo. Kami ay higit na maalam sa pinag-uusapan nila nang palihim na pagpapasinungaling at pagbalakid, nang nagsasabi ang mga tagalabag na ito sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya: "Hindi kayo, sumusunod, O mga tao, maliban sa isang lalaking nagaway na natuliro ang isip niya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba