Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 51)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
o nilikhang kabilang sa dinadakila sa mga isip ninyo,” kaya magsasabi sila: “Sino ang magpapanumbalik sa amin?” Sabihin mo: “Ang lumalang sa inyo sa unang pagkakataon,” saka mag-iiling-iling sila sa iyo ng mga ulo nila at magsasabi sila: “Kailan iyon?” Sabihin mo: “Marahil ito ay maging malapit na: (51)
Tafsīr
O kayo ay maging nilikhang iba pa, na higit na dakila kaysa sa dalawang kabilang sa dinadakila sa mga dibdib ninyo. Tunay na si Allāh ay magpapanumbalik sa inyo gaya ng pagpasimula Niya sa inyo at magbibigay-buhay sa inyo gaya ng paglikha Niya sa inyo sa unang pagkakataon." Kaya magsasabi ang mga tagapagmatigas na ito: "Sino ang magpapanumbalik sa amin bilang mga buhay matapos ng kamatayan namin?" Sabihin mo sa kanila: "Magpapanumbalik sa inyo ang lumikha sa inyo sa unang pagkakataon ayon sa walang naunang pagkakatulad." Kaya maggagalaw-galaw sila ng mga ulo nila bilang mga nanunuya sa pagtugon mo sa kanila at magsasabi sila habang mga nagtuturing na imposible: "Kailan ang pagpapanumbalik na ito?" Sabihin mo: "Harinawang ito ay malapit na sapagkat ang bawat dumarating ay malapit na.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: