Surah Ar-Rūm (Ang mga Romano — الروم) (Talata 39)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




30 Ar-Rūm(الروم), Talata 39

وَمَا آتَيْتُمْ مِنْ رِبًا لِيَرْبُوَ فِي أَمْوَالِ النَّاسِ فَلَا يَرْبُو عِنْدَ اللَّهِ ۖ وَمَا آتَيْتُمْ مِنْ زَكَاةٍ تُرِيدُونَ وَجْهَ اللَّهِ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُضْعِفُونَ 39 ٣٩

Ang anumang ibinigay ninyo bilang patubuan upang lumago sa mga ari-arian ng mga tao, hindi ito lalago sa ganang kay Allāh. Ang anumang ibinigay ninyo na zakāh habang nagnanais kayo [ng kaluguran] ng Mukha ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga pag-iibayuhin. (39)

Tafsīr
Ang anumang iniabot ninyo na mga salapi sa isa sa mga tao sa paghahangad na magsauli siya nito sa inyo nang may karagdagan ay hindi lalago ang pabuya nito sa ganang kay Allāh. Ang anumang ibinigay ninyo mula sa mga salapi ninyo sa sinumang matutugunan sa pamamagitan nito ang isang pangangailangan habang nagnanais naman kayo dahil doon [ng kaluguran] ng Mukha ni Allāh, samantalang hindi kayo nagnanais ng [magandang] kalagayan ni gantimpala mula sa mga tao, ang mga iyon ay mag-iibayo para sa kanila ang pabuya sa ganang kay Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba