Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 58)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Walang anumang pamayanan malibang Kami ay magpapahamak doon [dahil sa kawalang-pananampalataya] bago ng Araw ng Pagbangon o magpaparusa roon ng isang pagdurusang matindi. Laging iyon sa Talaan ay nakatitik. (58)
Tafsīr
Walang anumang pamayanan o lungsod mula sa mga pamayanang tagatangging sumampalataya ang mga naninirahan malibang Kami ay magpapababa rito ng pagdurusa at kapahamakan sa buhay na pangmundo dahilan sa kawalang-pananampalataya nito o susubok dito sa pamamagitan ng isang parusang malakas sa pamamagitan ng pagkapatay o iba pa rito dahilan sa kawalang-pananampalataya nito. Ang pagpapahamak at ang pagdurusang iyon ay isang pagtatadhana rito na nakatala sa Tablerong Pinag-iingatan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: