Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 67)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kapag sumaling sa inyo ang kapinsalaan sa dagat ay nawawala ang dinadalanginan ninyo maliban sa Kanya ngunit nang nagligtas Siya sa inyo papunta sa kalupaan ay umaayaw kayo. Laging ang tao ay mapagtangging magpasalamat. (67)
Tafsīr
Kapag may sumaling sa inyo, O mga tagapagtambal, na isang pagsubok na kinasusuklaman sa dagat hanggang sa natakot kayo sa kapahamakan ay nalingid sa hinagap ninyo ang dati ninyong dinadalanginan bukod pa kay Allāh. Walang kayong naalaala kundi si Allāh kaya nagpapasaklolo kayo sa Kanya ngunit nang sumaklolo Siya sa inyo, nagligtas Siya sa inyo mula sa pinangangambahan ninyo, at napunta kayo sa kalupaan ay umaayaw naman kayo sa paniniwala sa kaisahan Niya at sa pagdalangin sa Kanya lamang at nanunumbalik kayo sa mga anito ninyo. Laging ang tao ay mapagkaila sa mga biyaya ni Allāh.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: