Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 67 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 67 sa 111 • Tagalog


وَإِذَا مَسَّكُمُ الضُّرُّ فِي الْبَحْرِ ضَلَّ مَنْ تَدْعُونَ إِلَّا إِيَّاهُ ۖ فَلَمَّا نَجَّاكُمْ إِلَى الْبَرِّ أَعْرَضْتُمْ ۚ وَكَانَ الْإِنْسَانُ كَفُورًا 67
Pagsasalin:
Kapag sumaling sa inyo ang kapinsalaan sa dagat ay nawawala ang dinadalanginan ninyo maliban sa Kanya ngunit nang nagligtas Siya sa inyo papunta sa kalupaan ay umaayaw kayo. Laging ang tao ay mapagtangging magpasalamat. Al-Isrā’ 17:67
Tafsīr:
Kapag may sumaling sa inyo, O mga tagapagtambal, na isang pagsubok na kinasusuklaman sa dagat hanggang sa natakot kayo sa kapahamakan ay nalingid sa hinagap ninyo ang dati ninyong dinadalanginan bukod pa kay Allāh. Walang kayong naalaala kundi si Allāh kaya nagpapasaklolo kayo sa Kanya ngunit nang sumaklolo Siya sa inyo, nagligtas Siya sa inyo mula sa pinangangambahan ninyo, at napunta kayo sa kalupaan ay umaayaw naman kayo sa paniniwala sa kaisahan Niya at sa pagdalangin sa Kanya lamang at nanunumbalik kayo sa mga anito ninyo. Laging ang tao ay mapagkaila sa mga biyaya ni Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 66 Susunod Al-Isrā’ • Talata 68