Ang Panginoon mo ay ang nagpapausad para sa inyo ng mga daong sa dagat upang maghanap kayo ng kabutihang-loob Niya. Tunay na Siya sa inyo ay laging Maaawain. Al-Isrā’ 17:66 ⧉
Tafsīr:
Ang Panginoon ninyo, O mga tao, ay ang nagpapalakbay para sa inyo ng mga sasakyang-dagat sa dagat sa pag-asang maghanap kayo ng panustos Niya sa pamamagitan ng mga kita ng pangangalakal at iba pa rito. Tunay na Siya sa inyo ay laging Maaawain yayamang nagpadali Siya para sa inyo ng mga kaparaanang ito.