Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 70)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




17 Al-Isrā’(الإسراء), Talata 70

وَلَقَدْ كَرَّمْنَا بَنِي آدَمَ وَحَمَلْنَاهُمْ فِي الْبَرِّ وَالْبَحْرِ وَرَزَقْنَاهُمْ مِنَ الطَّيِّبَاتِ وَفَضَّلْنَاهُمْ عَلَىٰ كَثِيرٍ مِمَّنْ خَلَقْنَا تَفْضِيلًا 70 ٧٠

Talaga ngang nagparangal Kami sa mga anak ni Adan, nagdala Kami sa kanila sa katihan at karagatan, tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay, at nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa nilikha Namin nang [higit na] pagtatangi. (70)

Tafsīr
Talaga ngang nagparangal Kami sa mga supling ni Adan dahil sa [pagkakaroon ng] isip, pagpapatirapa sa mga Anghel sa ama nila, at iba pa. Pinagsilbi Namin para sa kanila ang nagdadala sa kanila sa katihan na mga hayop at mga sasakyan at ang nagdadala sa kanila sa karagatan na mga daong. Tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-aya sa mga pagkain, mga inumin, mga mapangangasawa, at iba pa. Nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa mga nilikha Namin ayon sa pagtatanging dakila. Kaya kailangan sa kanila na magpasalamat sa mga biyaya ni Allāh sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba