Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 70 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 70 sa 111 • Tagalog


وَلَقَدْ كَرَّمْنَا بَنِي آدَمَ وَحَمَلْنَاهُمْ فِي الْبَرِّ وَالْبَحْرِ وَرَزَقْنَاهُمْ مِنَ الطَّيِّبَاتِ وَفَضَّلْنَاهُمْ عَلَىٰ كَثِيرٍ مِمَّنْ خَلَقْنَا تَفْضِيلًا 70
Pagsasalin:
Talaga ngang nagparangal Kami sa mga anak ni Adan, nagdala Kami sa kanila sa katihan at karagatan, tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-ayang bagay, at nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa nilikha Namin nang [higit na] pagtatangi. Al-Isrā’ 17:70
Tafsīr:
Talaga ngang nagparangal Kami sa mga supling ni Adan dahil sa [pagkakaroon ng] isip, pagpapatirapa sa mga Anghel sa ama nila, at iba pa. Pinagsilbi Namin para sa kanila ang nagdadala sa kanila sa katihan na mga hayop at mga sasakyan at ang nagdadala sa kanila sa karagatan na mga daong. Tumustos Kami sa kanila mula sa mga kaaya-aya sa mga pagkain, mga inumin, mga mapangangasawa, at iba pa. Nagtangi Kami sa kanila higit sa marami sa mga nilikha Namin ayon sa pagtatanging dakila. Kaya kailangan sa kanila na magpasalamat sa mga biyaya ni Allāh sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 69 Susunod Al-Isrā’ • Talata 71