Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Isrā’ — Talata 69 (Tagalog) — Bidyo

Al-Isrā’ • Talata 69 sa 111 • Tagalog


أَمْ أَمِنْتُمْ أَنْ يُعِيدَكُمْ فِيهِ تَارَةً أُخْرَىٰ فَيُرْسِلَ عَلَيْكُمْ قَاصِفًا مِنَ الرِّيحِ فَيُغْرِقَكُمْ بِمَا كَفَرْتُمْ ۙ ثُمَّ لَا تَجِدُوا لَكُمْ عَلَيْنَا بِهِ تَبِيعًا 69
Pagsasalin:
O natiwasay ba kayo na baka magpanumbalik Siya sa inyo roon [sa dagat] sa ibang pagkakataon saka magsugo Siya sa inyo ng isang buhawing mula sa hangin para lumunod Siya sa inyo dahil tumanggi kayong sumampalataya, pagkatapos hindi kayo nakatatagpo para sa inyo laban sa Amin dito ng isang mapaghiganti? Al-Isrā’ 17:69
Tafsīr:
O natiwasay ba kayo na baka magpanumbalik sa inyo si Allāh sa dagat sa ibang pagkakataon, pagkatapos magpapadala Siya sa inyo ng isang hanging matindi para lumunod Siya sa inyo dahilan sa kawalang-pagkilala ninyo sa biyaya Niya yayamang nagligtas Siya sa inyo noong una? Pagkatapos hindi kayo nakatatagpo para sa inyo ng isang tagapagpanagot na magpapanagot sa Kanya dahil sa ginawa Niya sa inyo, bilang pag-aadya para sa inyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Isrā’ • Talata 68 Susunod Al-Isrā’ • Talata 70