Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 78)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




17 Al-Isrā’(الإسراء), Talata 78

أَقِمِ الصَّلَاةَ لِدُلُوكِ الشَّمْسِ إِلَىٰ غَسَقِ اللَّيْلِ وَقُرْآنَ الْفَجْرِ ۖ إِنَّ قُرْآنَ الْفَجْرِ كَانَ مَشْهُودًا 78 ٧٨

Magpanatili ka ng pagdarasal mula sa paglilis [sa rurok] ng araw hanggang sa pagpusikit ng gabi at ng [pagbigkas ng] Qur’ān sa madaling-araw; tunay na ang [pagbigkas ng] Qur’ān sa madaling-araw ay laging sinasaksihan [ng mga anghel]. (78)

Tafsīr
Magpanatili ka ng pagdarasal sa pamamagitan ng pagsasagawa nito ayon sa pinakalubos na paraan sa mga oras nito mula sa paglilis ng araw palayo sa rurok ng langit. Sumasaklaw iyon sa pagdarasal ng dhuhr at `aṣr hanggang sa pagdilim ng gabi, na sumasaklaw sa pagdarasal ng maghrib at `ishā'. Magpanatili ka ng pagdarasal ng fajr at magpahaba ka ng pagbigkas [ng Qur’ān] dito sapagkat ang pagdarasal ng fajr ay dinadaluhan ng mga anghel ng gabi at mga anghel ng maghapon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba