Surah Al-Isrā’ (Ang Paglalakbay sa Gabi — الإسراء) (Talata 82)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagbababa Kami mula sa Qur’ān ng siyang pagpapagaling at awa para sa mga mananampalataya, at walang naidaragdag ito sa mga tagalabag sa katarungan kundi isang pagkalugi. (82)
Tafsīr
Nagbababa Kami mula sa Qur’ān ng pagpapagaling para sa mga puso mula sa kamangmangan, kawalang-pananampalataya, at pagdududa; ng pagpapagaling sa mga katawan kapag ginamit ito sa ruqyah; at ng awa para sa mga mananampalatayang nagsasagawa nito. Walang naidaragdag ang Qur'ān na ito sa mga tagatangging sumampalataya kundi isang kapahamakan dahil ang pagkarinig dito ay nagpapangitngit sa kanila at nakadaragdag sa kanila ng pagpapasinungaling at pag-ayaw rito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: