Surah Al-Kahf (Ang Yungib — الكهف) (Talata 26)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




18 Al-Kahf(الكهف), Talata 26

قُلِ اللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا لَبِثُوا ۖ لَهُ غَيْبُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ أَبْصِرْ بِهِ وَأَسْمِعْ ۚ مَا لَهُمْ مِنْ دُونِهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا يُشْرِكُ فِي حُكْمِهِ أَحَدًا 26 ٢٦

Sabihin mo: “Si Allāh ay higit na maalam sa tagal ng ipinamalagi nila. Ukol sa Kanya ang [kaalaman sa] nakalingid sa mga langit at lupa. Kay husay ng pagkakita Niya at kay husay ng pagkarinig Niya. Walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik. Hindi Siya nagpapatambal sa paghahatol Niya ng isa man.” (26)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "Si Allāh ay higit na maalam sa tagal ng ipinanatili nila sa yungib nila. Nagpabatid nga Siya sa atin ng yugto ng pananatili nila roon kaya walang masasabing ukol sa isa man matapos ng pagsabi Niya – kaluwalhatian sa Kanya. Ukol sa Kanya lamang – kaluwalhatian sa Kanya – ang anumang nakalingid sa mga langit at ang anumang nakalingid sa lupa sa paglikha at kaalaman. Kay husay ng pagkakita Niya – kaluwalhatian sa Kanya – sapagkat Siya ay nakakikita sa bawat bagay. Kay husay ng pagkarinig Niya sapagkat Siya ay nakaririnig sa bawat bagay. Walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik na tatangkilik sa nauukol sa kanila. Hindi Siya nagpapatambal sa paghahatol Niya sa isa man sapagkat Siya ang namumukod-tangi lamang sa paghahatol."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba