Surah Al-Kahf (Ang Yungib — الكهف) (Talata 31)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




18 Al-Kahf(الكهف), Talata 31

أُولَٰئِكَ لَهُمْ جَنَّاتُ عَدْنٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهِمُ الْأَنْهَارُ يُحَلَّوْنَ فِيهَا مِنْ أَسَاوِرَ مِنْ ذَهَبٍ وَيَلْبَسُونَ ثِيَابًا خُضْرًا مِنْ سُنْدُسٍ وَإِسْتَبْرَقٍ مُتَّكِئِينَ فِيهَا عَلَى الْأَرَائِكِ ۚ نِعْمَ الثَّوَابُ وَحَسُنَتْ مُرْتَفَقًا 31 ٣١

Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang mga hardin ng Eden, na dumadaloy mula sa ilalim nila ang mga ilog, habang ginagayakan sila roon mula sa mga pulseras na ginto at nagsusuot sila ng mga kasuutang luntian mula sa manipis na sutla at makapal na sutla, habang mga nakasandal doon sa mga sopa. Kay inam ang pabuya at kay ganda iyon bilang pahingahan! (31)

Tafsīr
Ang mga nailalarawang iyon sa [pagtataglay ng] pananampalataya at paggawa ng mga gawaing maayos ay ukol sa kanila ang mga hardin ng pananatili, na mananatili sila sa mga iyon magpakailanman. Dumadaloy mula sa ilalim ng mga tuluyan nila ang mga matamis na ilog ng Paraiso. Gagayakan sila roon ng mga pulseras mula sa ginto at magdadamit sila ng mga kasuutang luntian mula sa manipis na sutla at makapal na sutla. Sasandig sila sa mga sopang ginayakan ng mga marikit na tabing. Kay ganda ang gantimpala bilang gantimpala sa kanila at kay ganda ang Paraiso bilang tuluyan at bilang pinanatilihang pananatilihan nila!

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba