Surah Al-Kahf (Ang Yungib — الكهف) (Talata 42)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




18 Al-Kahf(الكهف), Talata 42

وَأُحِيطَ بِثَمَرِهِ فَأَصْبَحَ يُقَلِّبُ كَفَّيْهِ عَلَىٰ مَا أَنْفَقَ فِيهَا وَهِيَ خَاوِيَةٌ عَلَىٰ عُرُوشِهَا وَيَقُولُ يَا لَيْتَنِي لَمْ أُشْرِكْ بِرَبِّي أَحَدًا 42 ٤٢

Pumaligid sa mga bunga niya [ang pagkawasak] kaya nagsimula siyang nagbaling-baling ng mga kamay niya [sa panghihinayang] sa ginugol niya roon, samantalang iyon ay gumuho sa mga balag niyon, at nagsasabi: “O kung sana ako ay hindi nagtambal sa Panginoon ko ng isa man!” (42)

Tafsīr
Nagkatotoo ang inasahan ng mananampalataya sapagkat pumaligid ang kapahamakan sa mga bunga ng taniman ng tagatangging sumampalataya. Kaya nagsimula ang tagatangging sumampalataya na nagbaling-baling ng mga kamay niya dahil sa tindi ng panghihinayang at pagsisisi dahil sa mga salaping iniukol niya sa pagpapatayo niyon at pagsasaayos niyon. Ang taniman ay gumuho sa mga panukod niyon na ginagapangan ng mga sanga ng ubas. Nagsasabi siya: "O kung sana ako ay sumampalataya sa Panginoon ko lamang at hindi nagtambal kasama sa Kanya ng isa man sa pagsamba!"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba