Surah Al-Kahf (Ang Yungib — الكهف) (Talata 46)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




18 Al-Kahf(الكهف), Talata 46

الْمَالُ وَالْبَنُونَ زِينَةُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَالْبَاقِيَاتُ الصَّالِحَاتُ خَيْرٌ عِنْدَ رَبِّكَ ثَوَابًا وَخَيْرٌ أَمَلًا 46 ٤٦

Ang yaman at ang mga anak ay gayak ng buhay na pangmundo samantalang ang mga nanatiling gawang maayos ay higit na mabuti sa ganang Panginoon mo sa gantimpala at higit na mabuti sa pag-asa. (46)

Tafsīr
Ang yaman at ang mga anak ay kabilang sa ipinanggagayak sa buhay na pangmundo. Walang pakinabang sa yaman sa Kabilang-buhay maliban kung ginugol ito sa nagpapalugod kay Allāh. Ang mga gawa at ang mga salita na kinalulugdan sa ganang kay Allāh ay higit na mabuti sa gantimpala kaysa sa bawat anumang nasa Mundo na gayak. Ito ay higit na mabuting maaasahan ng tao dahil ang gayak sa Mundo ay maglalaho samantalang ang gantimpala sa mga gawa at mga salitang kinalulugdan sa ganang kay Allāh ay mananatili.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba