Surah Al-Kahf (Ang Yungib — الكهف) (Talata 49)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




18 Al-Kahf(الكهف), Talata 49

وَوُضِعَ الْكِتَابُ فَتَرَى الْمُجْرِمِينَ مُشْفِقِينَ مِمَّا فِيهِ وَيَقُولُونَ يَا وَيْلَتَنَا مَالِ هَٰذَا الْكِتَابِ لَا يُغَادِرُ صَغِيرَةً وَلَا كَبِيرَةً إِلَّا أَحْصَاهَا ۚ وَوَجَدُوا مَا عَمِلُوا حَاضِرًا ۗ وَلَا يَظْلِمُ رَبُّكَ أَحَدًا 49 ٤٩

Ilalagay ang talaan saka makikita mo ang mga salarin habang mga nababagabag dahil sa nasaad dito at magsasabi sila: “O kapighatian sa amin; ano ang mayroon sa talaang ito na hindi lumilisan sa isang maliit ni isang malaki malibang inisa-isa nito iyon.” Matatagpuan nila ang anumang ginawa nila na nakadalo. Hindi lumalabag sa katarungan ang Panginoon mo sa isa man. (49)

Tafsīr
Ilalagay ang talaan ng mga gawa saka may kukuha ng talaan nito sa pamamagitan ng kanang kamay nito at may kukuha niyon sa pamamagitan ng kaliwang kamay nito. Makakikita ka, O tao, sa mga tagatangging sumampalataya na mga nangangamba dahil sa nasaad dito dahil sila ay nakaaalam sa inilahad nila rito na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway. Magsasabi sila: "O kapahamakan namin at kasawian namin! Ano ang mayroon sa talaang ito na hindi nag-iiwan ng isang maliit ni isang malaki sa mga gawa namin malibang iningatan nito iyon at binilang nito iyon." Matatagpuan nila ang mga pagsuway na ginawa nila sa buhay nila sa Mundo na nakasulat at pinagtibay. Hindi lumalabag sa katarungan ang Panginoon mo, O Sugo, sa isa man, kaya hindi Siya nagpaparusa sa isa man nang walang pagkakasala at hindi Siya bumabawas sa tagatalima ng anuman mula sa pabuya ng pagtalima nito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba