Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Kahf — Talata 49 (Tagalog) — Bidyo

Al-Kahf • Talata 49 sa 110 • Tagalog


وَوُضِعَ الْكِتَابُ فَتَرَى الْمُجْرِمِينَ مُشْفِقِينَ مِمَّا فِيهِ وَيَقُولُونَ يَا وَيْلَتَنَا مَالِ هَٰذَا الْكِتَابِ لَا يُغَادِرُ صَغِيرَةً وَلَا كَبِيرَةً إِلَّا أَحْصَاهَا ۚ وَوَجَدُوا مَا عَمِلُوا حَاضِرًا ۗ وَلَا يَظْلِمُ رَبُّكَ أَحَدًا 49
Pagsasalin:
Ilalagay ang talaan saka makikita mo ang mga salarin habang mga nababagabag dahil sa nasaad dito at magsasabi sila: “O kapighatian sa amin; ano ang mayroon sa talaang ito na hindi lumilisan sa isang maliit ni isang malaki malibang inisa-isa nito iyon.” Matatagpuan nila ang anumang ginawa nila na nakadalo. Hindi lumalabag sa katarungan ang Panginoon mo sa isa man. Al-Kahf 18:49
Tafsīr:
Ilalagay ang talaan ng mga gawa saka may kukuha ng talaan nito sa pamamagitan ng kanang kamay nito at may kukuha niyon sa pamamagitan ng kaliwang kamay nito. Makakikita ka, O tao, sa mga tagatangging sumampalataya na mga nangangamba dahil sa nasaad dito dahil sila ay nakaaalam sa inilahad nila rito na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway. Magsasabi sila: "O kapahamakan namin at kasawian namin! Ano ang mayroon sa talaang ito na hindi nag-iiwan ng isang maliit ni isang malaki sa mga gawa namin malibang iningatan nito iyon at binilang nito iyon." Matatagpuan nila ang mga pagsuway na ginawa nila sa buhay nila sa Mundo na nakasulat at pinagtibay. Hindi lumalabag sa katarungan ang Panginoon mo, O Sugo, sa isa man, kaya hindi Siya nagpaparusa sa isa man nang walang pagkakasala at hindi Siya bumabawas sa tagatalima ng anuman mula sa pabuya ng pagtalima nito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Kahf • Talata 48 Susunod Al-Kahf • Talata 50