Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Kahf — Talata 50 (Tagalog) — Bidyo

Al-Kahf • Talata 50 sa 110 • Tagalog


وَإِذْ قُلْنَا لِلْمَلَائِكَةِ اسْجُدُوا لِآدَمَ فَسَجَدُوا إِلَّا إِبْلِيسَ كَانَ مِنَ الْجِنِّ فَفَسَقَ عَنْ أَمْرِ رَبِّهِ ۗ أَفَتَتَّخِذُونَهُ وَذُرِّيَّتَهُ أَوْلِيَاءَ مِنْ دُونِي وَهُمْ لَكُمْ عَدُوٌّ ۚ بِئْسَ لِلظَّالِمِينَ بَدَلًا 50
Pagsasalin:
[Banggitin] noong nagsabi Kami sa mga anghel: “Magpatirapa kayo kay Adan [bilang pagpipitagan],” kaya nagpatirapa naman sila maliban si Satanas; siya noon ay kabilang sa mga jinn [hindi mga anghel] ngunit nagpakasuwail siya sa utos ng Panginoon niya. Kaya ba gagawa kayo sa kanya at sa mga supling niya bilang mga katangkilik bukod pa sa Akin, samantalang sila para sa inyo ay kaaway? Kay saklap ito para sa mga tagalabag sa katarungan bilang pamalit! Al-Kahf 18:50
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, noong nagsabi Kami sa mga anghel: "Magpatirapa kayo kay Adan ng patirapa ng pagbati," at nagpatirapa naman sila sa kabuuan nila sa kanya, bilang pagsunod sa utos ng Panginoon nila maliban kay Satanas; siya noon ay kabilang sa mga jinn at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga anghel. Tumanggi siya at nagmalaki sa pag-ayaw sa pagpapatirapa kaya lumabas siya sa pagtalima sa Panginoon niya. Kaya ba gagawa kayo, O mga tao, sa kanya at sa mga anak niya bilang mga katangkilik na tatangkilikin ninyo bukod pa sa Akin, samantalang sila ay mga kaaway para sa inyo? Papaanong nagagawa ninyo na ang mga katangkilik para sa inyo ay ang mga kaaway ninyo? Kaaba-aba at kapangit-pangit ng gawain ng mga tagalabag sa katarungan na ginawa nilang ang demonyo ay ang katangkilik para sa kanila bilang pamalit sa pagtangkilik kay Allāh – pagkataas-taas Siya!
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Kahf • Talata 49 Susunod Al-Kahf • Talata 51