Surah Al-Kahf (Ang Yungib — الكهف) (Talata 52)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




18 Al-Kahf(الكهف), Talata 52

وَيَوْمَ يَقُولُ نَادُوا شُرَكَائِيَ الَّذِينَ زَعَمْتُمْ فَدَعَوْهُمْ فَلَمْ يَسْتَجِيبُوا لَهُمْ وَجَعَلْنَا بَيْنَهُمْ مَوْبِقًا 52 ٥٢

[Banggitin] ang araw na magsasabi Siya: “Manawagan kayo sa mga katambal sa Akin na inangkin ninyo,” kaya tatawag sila sa mga iyon ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa kanila at maglalagay Kami sa pagitan nila ng isang [lambak ng] kapahamakan. (52)

Tafsīr
Banggitin mo sa kanila, O Sugo, ang Araw ng Pagbangon kapag magsasabi si Allāh sa mga nagtambal sa Kanya sa Mundo: "Dumalangin kayo sa mga katambal sa Akin, na inangkin ninyo na sila ay mga katambal para sa Akin, nang sa gayon sila ay mag-adya sa inyo." Kaya dadalangin sila sa mga iyon ngunit hindi tutugon ang mga iyon sa panalangin nila at hindi mag-aadya sa kanila. Maglalagay Kami sa pagitan ng mga tagasamba at mga sinasamba ng isang pagkakapahamak na makikibahagi sila roon, ang Apoy ng Impiyerno.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba