Surah Al-Kahf (Ang Yungib — الكهف) (Talata 74)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




18 Al-Kahf(الكهف), Talata 74

فَانْطَلَقَا حَتَّىٰ إِذَا لَقِيَا غُلَامًا فَقَتَلَهُ قَالَ أَقَتَلْتَ نَفْسًا زَكِيَّةً بِغَيْرِ نَفْسٍ لَقَدْ جِئْتَ شَيْئًا نُكْرًا 74 ٧٤

Kaya humayo silang dalawa; hanggang sa nang nakasalubong silang dalawa ng isang batang lalaki ay pinatay niya iyon. Nagsabi [si Moises]: “Pumatay ka ba ng isang kaluluwang busilak nang hindi dahil [sa pagpatay nito] sa isang kaluluwa? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na pagkasama-sama.” (74)

Tafsīr
Kaya humayo silang dalawa matapos ng pagbaba nilang dalawa mula sa daong para maglakad sa baybayin, saka nakakita silang dalawa ng isang batang lalaking hindi pa tumuntong sa pagbibinata, na naglalaro kasama ng mga batang lalaki. Pinatay iyon ni Al-Khiḍr kaya nagsabi sa kanya si Moises: "Pumatay ka ba ng isang kaluluwang malinis na hindi pa tumuntong sa pagbibinata nang walang anumang pagkakasala? Talaga ngang gumawa ka ng isang bagay na minamasama!"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba